Sabado, Pebrero 19, 2011

Ang Talambuhay ni Jarine Rosales

Ako nang ako'y limang taong gulamg
Sa bawat problema may kaakibat na solusyon.Magsikap at magtiyaga para makamtan ang ninanais na tagumpay at magandang kinabukasan. Huwag  magsayang ng oras at pera upang may marating sa buhay. Yan ay ilan lamang sa mga mabubuting turo sa akin ng aking mga magulang na sya ko namang ginagawang panuntunan sa buhay. Mga aral na hindi ko kailanman iiwan sa pakikibaka sa buhay, mga aral na bumubuo sa aking pagkatao.



Ako nang aking binyag kasama ang  aking tiyo
  Ako si Jarine Asia Rosales, anak nina G. Ricky A. Rosales kasalukuyang isa ngayong panadero at tricycle driver at Gng. Consolita A.Rosales manininda ng pagkain sa palengke. Ako ay pangalawa sa aming tatlong magkakapatid at panganay sa lalaki. Ito marahil ang dahilan kung kaya't maaga akong namulat sa realidad ng buhay. Isinilang ako noong ika-08 ng Hulyo taong 1994 sa Brgy. San Roque Bagong Pag-asa sa lungsod ng Quezon. Ayon sa aking mga magulang nakatira lamang kami nuon sa isang paupahang kwarto. Ang aking ama nuon ay isa empleyado sa isang hotel at ang aking ina naman nuon ay isang manikyurista. Sabi nang aking mga magulang  dito naganap ang ipapahamak ng aking buhay. Nuong isang taon at kalahati pa lang daw ako isang hindi inaasahang pangyayari sa aking buhay. Nalaglag ako sa sampong baitang na hagdanan at sumulbot sa palanggana na may lamang tubig. May nakakita raw naman sa akin isang matandang babae na nauna pa sa akin binawian ng malay tao. Dahil sa pangyayaring yun naubos ang mga ipinundar ng aking mga magulang sa probinsya maging ang dala namin sa maynilang mga alahas. Di naglaon nakahanap ng mas magandang trabaho ang aking ama, Pagiging caretaker sa isang orchidfarm sa DasmariƱas Cavite. Tumira kami roon ng humugit kumulang ng dalawa't kalahating taon, sa aming pamamalagi duon ay napakarami ko nang mga naranasang bagay na lalong naghubog sa aking pagkatao.Duon ako unang nag-aral bilang saling pusa sa isang nursery school. Kasabay ng aking pag-aaral umusbong ang mga nakatagong katangian sa aking pagkatao, natatandaan ko pahong lagi akong nakagagalitan ng aking mga magulang dahil sa aking kakulitan at kadaldalan  nung aking kamusmusan, nariyan yung mga oras na tumatakas pa ako sa aking lola kapag pinatutulog kami sa tanghaling tapat upang lumaki daw kami. Ngunit hindi ako naniniwala dun sa sinasabi ng aking lola. Ayon pa sa aking mga magulang bata pa lamang  ako ay matanda na akong mag-isip,di na din ako nagtataka sapagkat tanda ko pa nung ako ay anim na taong gulang ang mga kabarkada at kausap ko ay matatanda, sabi pa ng mama ko kinagigiliwan daw ako ng mga matatanda dahil hindia ko mahiyain g kumanta,sumayaw at tumula sa harapan nila. May mga pagkakataong dumadating ang amo ng aking mga magulang at maging sya ay nagigiliwan sya sa akin. 
Ako nang ako ay nasa Kinder Garten


   makalipas ng pamamalagi namen ng dalawang taon sa Cavite napagpasyahan ng aking mga magulang na umuwi sa probinsya namin sa Quezon upang ipasok kami sa kilalang pribadong paaralan duon. Duon ako nagpatuloy ng pag-aaral, naging magsasaka at minsan ay sumasama sa pangingisda ang aking ama, samantalang samantalang balik manikyurista ang aking ina. Taong
Ako nang ako ay nasa nursery pa lamang
dalawang libo dumating ang anghel sa aming pamilya ang aking bunsong kapatid, pagkatapos ko ng kinder hindi muna ako pumasok dahil ay pa nang aking magulang at isa pa hindi pa ako handa para tumuntong sa unung baitang sa halip inilaan ko ito sa pag-aalaga sa aking bunso. pagkalipas ng isang taong pag-aalaga at pagliliwaliw pumasok na din ako dahil ayaw kong mahuling masyado sa aking dating mga kasabayan. Hindi lumilipas ang aking pag-aaral duon na wala kaming karangalan ng aking nakatatandang kapatid. Sa probinsya ako unang nkahanap ng mga tunay na kaibigan mga kaibigang kahit musmus pa lang ang isipan ay nariyan upang samahan ka sa mga problema kahit maliit man yan. Tanda ko pa nung bata pa ako twing sabado at linggo nasa bukid kami ng aking ate upang magbakasyon kahit dalawang araw lang sa bahay namin sa bukid. Hindi naglaon lumuwas ang aking ama dito sa San pablo upang maghanapbuhay dahil batid nyang malaking salapi ang kakailanganin namin sa pag-aaral, Pinalad na nakapasok ang aking ama sa isang bakery na pinagtatrabahuhan ng aking tiyo, ngunit hindi bilang panadero kundi bilang tiga-gawa ng siopao dahil may pwesto ng siopaowan sa palengke           ang isa sa may ari ng panaderya.

graduation pic.
nang lumaban kami sa journal
             Ngunit totoo nga ang kasabihang lahat ng bagay ay may hangganan, dahil dumating yung panahong kailangan naming umalis muli sa probinsya sapagkat nastroke ang aking lola kaya mahirap man mag-adjust kailangan ng aming dalhin ang lola sa San Pablo kung  saan mas magaling ang amga manggagamot. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa dapdapan Elem. School, na nangangalhati na ang taon nang ako ay nakapag enroll, hirapan ako nung mag adjust sa mga bagay-bagay gaya ng sa mga lesson huling-huli na ako, sa pagsasalita ko dahil kung minsan inaasar nila akong bisaya dahil daw sa tono at lalim ng aking mga salita. Nung ako ay nasa ika-tatlong baitang na katulong na ako ng aking ina sa pgtitinda ng aming mga produkto sa palengke, dito ko natutunan kung paano kitain ang pera at pahalagahan ito. Simula nang ako ay naparito sa San Pablo hindi ako naging pala galang bata, hindi ako naging mahilig magliwaliw sapagkat bata palang ako ay hinahanda na ako sa pagsubok sa buhay, Masasabi kong iba ako sa pangkaraniwang bata nung panahong yaon , dahil pinuno ako ng aking mga magulang ng ibat ibang obligasyon at responsibilidad. Ngunit hindi ko inisip na ito ay utos o obligasyo, tinatanggap ko ito bilang pagsasanay sa mga susunod na araw para sa akin. Nung ako ai nasa ikatlong baitang di ko inaasahang ako ay magkumbulsyon sa paaralan, dinala ako sa hospital na hindi alam ng aking magulang ang nangyari. Isang buwan din akong namalagi sa hospital, finals namin un sa lahat ng subject, kaya ang kinalabasan mababa ang 4th quarter . Natapo ako ng elementeryang walang karangalan ngunit puno naman ng dimalalamutang karanasan  at kaalaman. 

      Taong 2007 tumuntong ako ng sekondarya, una akong pumasok sa San Jose National high School kasam a ang aking isa sa mga matalik na kaibigan. Duon ako nagtapos ng dalawang taon sa sekundarya, dahil matapos ng ikalawang taon ay napalipat kami ng tinitirhan sapagkat nagtayo kami ng amaliit na panaderya na pinagkukunan namin ngaun ng gaastusin sa pang araw-araw. ako ngaun ay nasa ika apat na taon na ng sekundarya at nasa pangkat pito, masasabi kung masaya ang aking buhay kahit simple lang.. 

Ako noong J.S namin ngayong 4th year
               salamat sa pagbabasa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento