Martes, Pebrero 22, 2011

Ang Talambuhay ni Allen B. Himor

Ako at ang aking pinsan
na si ate Janice
     Ako si Allen B. Himor na ipinanganak noong December 23, 1994 na nakatira sa lugar ng Brgy,Guadalupe 2-A, San Pablo City. Ako ay may dalawang kapatid na nag-ngangalang Anjo Basinang Himor na kapatid kong panganay at Aileen Basinag Himor na akin namang kapatid na bunso, Ang pangalan naman ng aking mga magulang ay sina Arnel Salazar Himor at Arlyn Basinang Himor.

     Ito ang isa sa mga litrato na kuha noong ako ay hindi pa napasok sa Paaralan. Ako ay nasa tatlong taong gulang palamang noon  at narito naman sa aking tabi ang aking pinsan na si ate Janice Padura na kung saan ay siya ang nag-aalaga sa akin kapag wala ang aking mga magulang.

       Ako ay nagsimulang mag-aral sa edad na limang taong gulang at ako ay pumasok ng nursery at kinder sa paaralan ng Maranatha Christian School. sa aking pagiging Kinder ay dun ko unang naranasan kung paano ang makipag-kaibigan at makihalubilo sa aking mga kaklase. Dun ko rin unang naranasan ang aking fieldtrip na isa sa mga bagay na hindi ko malilimutan. Isa sa mga pinuntahan namen na lugar ay ang Enchanted Kingdom na kung saan ay dun ko naranasan na sumakay sa iba't ibang uri ng rides.Pagkatapos naman namen sa lugar na iyon ay dumeretso naman kame sa Manila Zoo na kung saan ay doon ako unang nakakita ng iba't ibang uri ng hayop tulad ng Unggoy,Elepante,Tigre, Lion at iba pa. Isa din sa mga bagay na hindi ko malilimutan sa lugar na iyon ay nung ako ay mapahiwalay sa aking Nanay at ako ay maligaw, at sa aking paglalakad-lakad ay halos malibot ko na ang buong zoo hanggang sa ako ay makalabas sa main gate ng Zoo at sa labas non ay dun ko nakita ang aming sinasakyang Bus at dali-dali akong sumakay at dun na ako nag-iiyak. Sa pangyayaring iyon ay mayroon akong isang bagay na natutunan yun ay ang huwag maging malikot at maging pasaway sa iyong magulang kapag nasa mga ganung lugar lalo na kung ikaw ay bata pa at wala pang masyadong alam sa mga bagay-bagay. ito ang isa sa aking litrato ng fieldtrip namen  habang ako ay nasa bus.



Fieldtrip namin noong ako ay nasa Kinder Garten pa lamang 




Noong ako ay nasa kinder garten pa





   Bago pa ang pagsapit ng aking Graduation sa aking pagiging Kinder ay narito pa ang isang larawan na kuha bago ako Gumraduate.

  
    Sa pagtung-tong ko sa edad na pitong taong gulang ay dun na ako nagsimulang mag-aral ng unang baitang sa Paaralan ng Guadalupe 2 Elementary School San Pablo City. Ngunit ng matapos ko ang isang taon na pag-pasok ko sa unang baitang sa Paralang iyon ay lumipat ako sa Paaralan ng Ambray Elementary School at dun ako nag-aral ng grade 2. Ngunit pagkatapos ko sa taon na iyon ay muli akong bumalik sa una kong pinasukang Paaralan at dun na ako naapatuloy ng aking pag-aaral. Noong ako ay makatung-tong sa ikatlong baitang ng elementarya ay dun ko unang naranasan na lumaban sa mga Distrito at ang aking larong nilabanan ay Chess. ngunit sa kasawiang palad ay di ako nag-wagi. Noong ako naman ay nasa ikaapat na baitang na ng elementarya ay dun ko naman naranasan na lumaban ng Talumpati sa harap ng marameng tao kasama ang aking mga kaklase. I to ay ginanap sa Paaralan ng Pag-ibig at Pag-asa ngunit hindi rin kame pinalad na manalo. Noong ako naman ay maka-akyat na sa ikalimang baitang ng elementarya ay naging varsity naman ako ng volleyball na isa pa sa mga palaro na aking nilahukan at sa dalawang laban namen na iyon ay hindi rin kame nanalo. Sa akin namang pinakahuling baitang sa elementarya ng Guadalupe 2 Elementary School San Pablo City, ay mayroon akong isang bagay na hindi ko malilimutan yun ay nung unang pagsali ko sa Camping na ginanap sa lugar ng Brgy. San Jose, San Pablo City. Marameng pangyayari ang naganap doon, naranasan ko doon ang maghi-king na kung saan ay umakyat kame sa bundok na sobrang putik dahil kauulan lang non, naranasan ko din doon ang mag Bonfire at kung paano ang gumawa ng apoy gamit lamang ang ilang kapirasong kawayan. Kame ay nagtagal doon ng tatlong araw. Marame rin ako dung naging kaibigan at nakasalamuha galing sa iba't ibang paaralan. Dun din ako nakaranas na kung saan ay huling araw na ng camping namen ay bigla naman kameng binagyo, halos lahat ng kasama sa camping na iyon ay hindi magkaige dahil sa mga tent nila na pinapasukan na ng mga tubig at ganun din kame, naghintay lang kame na sumapit ang liwanag at naghakot na kame ng aming mga gamit ngunit hindi pa rin tumitigil ang bagyo. Halos manigas na kame ng aming mga kaklase sa paghahakot ng gamit dahil sa sobrang lamig dala ng malakas na bagyo. Nang matapos na kame sa paghahakot ay umalis na agad kame gamit ang patrol na sasakyan ng aming baranggay at ng pagdating ko sa aming bahay ay natulog ako at nagpahinga dahil sa sobrang pagod ko sa mga pangyayaring iyon. Isa iyon sa mga bagay na hindi ko malilimutan na nangyare sa aking buhay pagiging elementarya.


      Isa pa sa masayang pangyayare na naganap sa aking pagiging buhay elementarya ay noong ako ay ga-graduate na at umakyat na ng entablado upang kuhanin ang aking diploma na nagpapatunay na ako ay nakatapos na ng elementarya at ito ang isang larawan na kuha habang ako ay tatanggap ng aking diploma



Graduation ko noong ako ay Elementary
    Sa pagtung-tong ko naman sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ay dun ko na naranasan kung gagano kasaya ang high school life. simula ng ako ay mag 1st. year hanggang 4th, year. Sa pagiging  1st, year ko ay dun ako unang nakaranas na sumayaw kasama ang buong 1st, year at 2nd, year sa ginanap na fielddemo na kng saan ay nakalaban namin ang mga 3rd, year at 4th, year. Masaya ako dahil kameng mga 1st, year at 2nd, year ang itinanghal na panalo sa naganap na fielddemo. Noong ako naman ay nasa 2nd, year na ay halos ganun din ang nangyare na kung saan ay nakalaban namen ulit ang mga 3rd, year at 4th year at kame ulit ang itinanghal na panalo.
    Isa pa sa masaya kung naranasan sa pagiging high school ay nung ako ay mag 3rd, year na dahil doon ko naranasan kung gaano pala talaga kasaya ang mag JS, At nung ako ay mag 4th,year na man ay dun na mas lalong sumaya ang aking high school life dahil dun ako nagkaroon ng unang babae na aking minahal at ito ang isa sa kanyang mga larawan.


Girlfriend ko
na si Rose Ann Cortez

Talambuhay ni Dave Micheal Sayson



Ako noong baby pa
 Ako po si Dave Micheal V. Sayson, tawagin o nalang po ako sa pangalang Dave. Labing anim na taong gulang nap o ako at kasalukuyang nag aaral sa paaralang Col. Lauro D. Dizon High National High School bilang isang 4thyr student, pinanganak po ako noong ika 19 ng oktobre,1994. Panganay po akong anak nina Gng. Nora V. Sayson at Ginoong Federico Sayson, Dalawa lang po kaming magkakapatid ako at ang bunso ko pong kapatid na babae na si Diana Marie V. Sayson labing dalawang taon nag aaral siya sa San Pablo High School sa !styr. Simple lamang po ang buhay naming, Ang tatay kop o ay isang tricycle driver at ang nanay ko naman po ay sa bahay lamang at tuwing linggo ay nag titinda nang isda sa aming harapan para makatulong din sa tatay ko. Ayon sa nanay ko ipinag lihiu niya raw ako sa bunga ng bayabas mahilig daw siya noon sa mga bilog kaya alam niya agad nalalaki ang magiging anak niya at heto nga po ako isang tunay na lalaki, Simpleng simple sa kahit na anung paraan mabait, katamtamang taas lamang , Moreno, masipag ako sa bahay namin. Ao ang nag lilinis nang bahay naming gusto ko malinis lahat nang gamit ko at maayos, natutuwa nga sa akin ang magulang ko kasi ganoon ako.

Ako ng nasa ika-apat na antas ng sekundarya
Hindi man ako masyadong matalino sisikapin kong makatapos ng pag aaral upang matulungan ang aking magulang maging ang aking magiging bagong pamilya. Ang hilig kop o ay manood ng T.V makinig nang musika, mahilig din akong kumanta,sumyaw at lalong mahilig akong kumain dahil gusto ko ring tumaba ng kunti.

Sa simpleng buhay naming pangarap ko ring makatapos, bilang isang panganay na kapatid at para maging idolo ako nang aking kapatid. Mag tatapos muna ako bago ako mag asawa ito’y  hindi para sa iba ito’y para din sa aking sarili at sa magulang ko. Gusto ko ring makatulong sa pamilya ko upang maiahon sila sa kahirapan ng buhay. Medyo mas maganda po kasi ang oportonidad na makakuha ng magandang trabaho lalo’t tapos. Kung ano man ang mga sakripisyo ng magulang ko gusto q pong ibalik ito sa kanila ng mas higit pa.

Noong 1yr old ako at 7yr old ako tandang tanda ko pa na ipinag handa nila ako pinapunta ko pa nga ang mga kaklase ko nong 7th bday ko, nag laro pa kami nun ng pokpok palayok. Nag titinda pa kasi nun ng isda ang nanay ko sa palengke e medyo okey panun ang bentahan kaso ngayon wala na sa bahay nalang kasi masyado ng matumal ang benta kaya tumigil na ang nanay ko. Naging masaya rin po ang nagging buhay ko nung akoy bata palagi po akong abay ng kung sinu sino kasi po cute po ako noon palagi din po kaing nasa party kasama ng  mga kamag anak ko.Mahal na mahal ko  ang nanay ko kasi lalaki po ako.
Ako noong bata pa
 Marunong din po ako ng kunti sa sipa-arnis nag aral din po ako ng kunti noong mag 9yr old. Ang hindi ko lang po makakalimutan ay noong natinik ako ng isada halos naisuka kuna lahat ng kinain ko saka palng lumabas. Kaya po nagyon may phobia na po akong kumain ng isda minsn lang po ako kumain noon, kumakain lang po ako noon kung talagang walang ulam mag sabaw nalang ako kung walang ulam okey lang yun basta walang tinik.
Mahilig din po kaming mamasyal noon sa mall, kumakain kami ng spaghetti, hamburger, fries at ice cream lagi po akong may laruan kasi binibili ng nanay ko yung may kasamang laruan yung “value meal” kung tawagin. Ang sarap maging bata.

Nag simula ang mag aral ng kinder taong 2000 nag karoon pa ako nun ng sabit bilang pang wala sa mga honor noong nag grade one ako sa central nap o ako pomasok hanggang grade six nap o yun wala po akong natanggap na award marahil siguroy marami na akong kalaban at siguro talagang ganto lng ang pang middle average lang ang kaya ko. Nag papasalamat na rin ako sa Diyos at nagging maayos naman ang buhay ko. Hindi po ako sakitin una sa lahat kahit po nung bata ako hanggang sa ngyom kaya nag papasalamat ako na lumaki akong may takot sa Diyos.

Sa kasalukuyan nakatira po ako sa 882 Angelo Compound Brgy 1B San Pablo City pero pinanganak po ako sa Bicol sa Poligani, Albay  kong saan naroon ang magandang Bulkang Mayon. Tubong bicol po ang mg magulang ko kaya lang ditto na nag karoon ng trabaho ang tatay ko eues built metal manufacturing kaya lang nag pabayad narin siya at bumili ng sariling tricycle na haggang ngayon ay yun parin ang kinabubuhay namin.

Sa bicol ako pinanganak pero ditto ako binabinyagan s a malaking simbahan ng katoliko. Marami po akong nagging ninang at ninong … sina Ninang Lindamin Abano, Rose Marie Cormello Seletaria, Lodia De Castro ang mag lolo at llola kop o sa mother at father side ay tig iisa nalng po kasi namatay na ang bawat sa sa kanila sa mother side kop o ay lola nalng po at sa father side ay lolo nalang po. Mababai naman po ang lolo at lola ko kaya siguro mabait din kaming mga apo nla.

Ako kasama ang aking ilang kabarkada
Nag papasalamat po aq sa mga magulang ko na dahil sila ang nagging magulang ko pinalaki ako ng may takot sa Diyos. Higit sa lahat nag papasalamat ako sa diyos dahil binigyan niya ako ng isang taong magiging inspirasyon ko sa pag abot ng aking mga pangarap na walang iba kundi si Jaymin Agbon ng buhay ko. Ditto po nag tataposang aking talambuhay..Sana po magustuhan ninyo..

Ako sa tambayan
SALAMAT PO

Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Talambuhay ni Katigbak, Allan O.

Ako po ung hawak ng nanay ko.
Noong ako ay pitong buwan pa lang sa Baguio.
Nag simula ang lahat nang mag kakilala ang aking ama at ina na nag ngangalang Angeles B. Katigbak at Renchios S. Oboisca. Sa kanilang pag sasama ay nag bunga sila ng tatlong supling. Ang panganay na anak ay si Almira O. Katigbak  at eto nap o ang pag silang ni Allan Katigbak na naganap noong January 29 1992 hindi ko po alam ang oras. Haha yun lang. ako po ay bininyagan noong January 7 1993. bata pa lamang ako ay nag hiwalay na ang mga magulang ko nag karoon kame ng pangalawang ina na nag ngangalang Remedios Enriquez. Tama mag kapareho sila ng pangalan n gaming ina. At habvang nsa suidi an gaming ama an gang aming pangalawwang ina ang nag silbi at nag aruga sa aming tatlong magkakapatid. Sobrang saya kop tuwing nauwi ang ama ko.

          At dum,ating ang araw ng aking pagpasok ng kinder sa aming Brgy hall naaalala ko ang naging karanaasan karanasan ko dun. Tinatago naming ang bag n gaming kamag aral naming babae man o lalaki./ ipinag susulat ako ng katabi ko. At naging resulta ay naging 3rd honor ako.

          Ako ay pumasok ng elementary sa ambray elementary school.sa unang grado. Pag katapos ay lumipat na akom sa San Marcos elementary school sa kanya po ako tumira kay Arlyn katigbak sa San Marcos. Lumipat ulit ako sa ambray nung pangalawa at pangatlong grado at lumipat ulit ako sa San marcos noong grade 4 ako. Lagi kameng napapagalitan n gaming gurop dahil lagi kameng naglalaro ng holen sa ilalaim ng H..E nag hahabulan sa dumuhan, nag babasaan habang nag didlig ng halaman at palaging umaakyat sa mga puno. Sa kabutihang palad nakatapos ako ng elementary sa ambray.

Eto po ako nung 7 taong gulang.
Ako po yung nasa dulo ng kanan.
          At ng mag bakasyon ako sa Tikew ay nagkaroon ako ng maraming karanasan tulad ng pag lalangoy naming sa ilog. Napakalayo ng nilalakad naming, sa bundok kami dumadaan para hindi Makita ng mga aming magulang ng mga kaibigan ko. .noong una lahat kame takot lumusong. Kahit kahit mababaw may nghihigop ng bata ilog  pero sinubukan namin at nalaman naming hindi pala kay halos araw arw ay naroroon kami.

           At nung minsan nag punta kami sa ilog walang may dalang pera kundi yung isa naming kaibigan sagot nya lahat tyinapay pamasahe sigarilyo at kendi kaso bigl;ang umalis sya kasama nung isa nmam,ing kaibigan kaya nalungkot kaning laghat sa kanyang ginwa umuwi kami ng walang pera pero may nakita ako papel pag lapit ko may lamang 100 pesos kaya masayamg masaya kame kaya nag dali dali kaming nag punta ng tindahan at pag parte parte naming ung pera at iyon ang hindi ko malilimutan. Alala ng iba kong kaibigan.

Eto po ako nung naging Varsity ng paaralan namin.
          Nang pumasok ako ng unang taon sa dizon high ay naging masdaya ako sapagkat nag karoon ako ng maraming kaibigan. Nung una hindi ako nasama sa gimik nila naliban sila ng klase at kung saan saan napunta nang sumama ako biglang bumaba ang grado ko ganun pa man nakapasa ako na napapunta sa ikalawang taon.. sa kasamaang palad hindi ako nakapasa akala ng magulang ko ay nsa paaralan ako, yun pala nasa computer shop ako nalaman yun ng magulang ko at pinatigil ako sa pag aaral. Wala akong magawa sa bahay nakakainip nakakabagot at nakakaingit na Makita ang bata na tulad ko na nakikitang kung pauwi sa kanilang bahay buhat sa paaralan.

          At noong 2008 ay pinagpatuloy ko ang aking pagaaral. Sa tulong ng aking tiyuhin ay ibinili niya ako ng bagong gamit sa pagaaral. Sabi ko sa sarili ko ay hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Nagtino ako sa pagaaral tapos sumali ako sa Varsity nd DIZON  HIGH at sa kabutihang palad ay napabilang ako sa mga manlalaro. Dahil saw ala akong bagsak na subject kahit isa nakapasa akong muli st tumuntong na ako sa ikatlong taon sa mataas na paaralan. Sa taong ito halos barkarda ko lahat naging masaya kami at lagi kaming namamasyal kung saan saan. At ditto ko rin naranasan ang unang js prom at ipinag patuloy ko rin ang pag lalaro ng basketball sa aming paaralan. Ang sarap ng pakiramdam kapag nandyan ang m,ga kaibigan muna sumusuporta sa iyo. Isang aeaw ang aking pag eensayo sa aming paaralan naaksidente ako at na pilay ang kanan kung paa. Akala ko hindi naku makakapag laro sobra akong nalungkot sa nangyare sa akon. Pero makalipas ang dalawang lingo agad akong gumaling at nakapag laro muli. At dumating ang araw nang laban para sa devesion mee. Masaya ang karanasan dito, puro laro lang ng laro pero natalo kami sa bandang huli gayon pa man masaya parin kami. Dahilo ginawa naming an gaming makakaya. At nang ako ay nakapasa ng ikatlong taon tumaas ang aking pangkat na mila sa 3H aty naging 4f ako.

Sila po ang naging kaibigan ko nang malulong ako sa bisyo.
          Habang bakasyon ay may sinalihan akong liga para naman malibang ako. Masarap ang pakiramdam kapag buong brgy ay sumuporta sayo. At doon ko nakilala ang babaeng una nag patibok ng aking puso. Subality nag kahiwalay kami ng dalang buwan. Ang kalungkutan ang nadarama ko sa pag ibig sa babae ay hindi dahilan sa pag lalaru ko. Lagi akong nasa kondisyon kapag nasa harap ako ng court ng basketball. Hindui ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas basta alam ko nag lalaro ako kasama ng kaibigan ko.

          At nang pumasok na ako ng 4th yr nakakilala ako ng mga bagong kaibigan, bagong kamag aral at bagong mga guro. Ditto ako natuto na mag sugal tulad ng kara. Pero di ko pinababayaan ang pag aaral ko hanggang sa ngayon na nag hihintay nalang sa araw ng pag tatapos.

DITO KUNA TINATAPOS ANG AKING TALAMBUHAY

"Supladita": Ang Talambuhay ni Chilestie Devega

Nuong ako'y isang taong gulang
  Hellow!  ako si Chilestie Viñalon Devega, at ang kaarawan ko po ay noong Mayo 21, 1995. Sabi ng nanay ko bago daw ako ipanganak napakadami nang gustong umampon sa akin kahit nasa tiyan palang ako, ewan ko kung bakit? Nung ika-21 ng Mayo sa Lungsod ng San Pablo sa City Hospital ako pinanganak at hanap-hanap ako agad ng mama ko, nang makita nga ako tuwang-tuwa siya pati ang papa ko. Nang makita daw nila ako ang ganda-ganda, maputi at medyo singkit  ang aking mga mata. Sa pagpapangalan pa lang daw sa akin nahihirapan na sila, una ang ipapangalan sa akin ay Caren Mae kaso napaka-common at marami nang may pangalang ganun, pangalawa, kristelle Joy, Princess Claire at Hazzelle Queen pero isa lang ang inaprobahan ng aking papa, ang pagsasama ng nickname nila ng mama ko. Siya nga pala ang pangalan ng mama ko ay Christina V Devega, at ang aking ama ay Ramon A Devega Jr. At ang kanilang palayaw ay Cristi at Chilay, sa pagsasama ng kanilang palayaw nabuo ang pangalang kong Chilestie.

         Ngunit noong ako'y mag-iisang taon hindi pa daw ako makalakad pare magaling na akong bumigkas ng mga salita. Ayon sa aking mga magulang nuong aking kaarawan napakaraming handa at naruon ang aking mga pinsan, kamag-anak at iba pa. Ayon pa sa kanila pinag-aagawan at pinag-hahagkan pagdating na sa aking mga tiyahin, ang asim ko raw, amoy pawis at kasama na ang amoy at laway ng amga kamag-anak ko.

     Makalipas ang apat na taon, unag klase ng paaralan ay limang taon ako nuon, saling pusa kung tawagi ako sa bagong Lipunan Elementary School, pero nakita na ng aking guro na may kaalaman na ako sa pagbabasa, pagsususlat, kaya't nuon maagap akong nakatung-tung sa unang baitang dahil sa pagpasa sa akin ng aking guro sa Kinder garten. Sa loob ng aming silid-aralan isa ako sa ma-iingay na mag-aaral. Nakilala ko ang mga kaibigan na sina:Abygail, Angeline at Arlene at ang pagkakakilala ng aking guro na si Mrs. Satuna na kakambal ko si Aby.pagtung-tung ko sa ikalawang baitang, nananabik ako dahil sabi ko sa aking mama na ako'y magtatapos na ng pag-aaral pero sa katotohanan ay hindi pa pala. Sa unang klase ng umaga ay lagi akong kumpleto sa uniporme at pagdating ng  hapon nais ko laging nakasuot ng sando kahit ayaw ng aking mama ay wala siyang nagagawa dahil hindi ako pumapasok kapag hindi naka-sando. Sa kadahilanang ako ay laging naka-uniporme nuong nagrecognition day ay natamo ko ang karangalang "Best In Complete Uniform".
kaarawan ko nung ako'y walong taong gulang
   

         Nang pagtung-tung ko sa ika-tatlong baitang, kaarawan ko nuon kaya nagpasya ang aking ama na idaos ang aking kaarawan sa isang resort sa San Ignacio. Nakakalungkot dahil unang klase ay lumiban kaagad ako pero nandun din ang kasiyahan sa aking kalooban. Nagsimula na raw akong ipamalas ang aking kakayahan sa loob ng klase ngunit nkaakibat nito ay lagi rin na pinapatawag ang aking mga magulang at ng aking kamag-aral dahil lagi kaming nag-aaway sa loob ng silid ng aking kamag-aral na lalaki na si: Earl van Exconde. Ayon sa aking guro hindi kami magkasundo dahil parehas kaming sensitibo sa mga bagay-bagay gaya ng sa upuan. Nang ito ay naganap ika huling linggo ng buwan ng marso, Nung kinalunisan ako ay inatasan na magbigkas ng isang panata sa aming flag ceremony. Hiyang-hiya ako nuon dahil una beses kong gagawin iyon. Nung panahong iyon ipinamalita ng mga guro na may camping na magaganap ang aming  paaralan at ako ay makakasali sapagkat nuong araw na iyon nagpadala ang aking ama ng pambayad galing sa Maynila. Araw ng camping nuon nagluto kami ng itlog na nilaga at inadobong talong, ang saya-saya ko nun sapagkat duon kami natulog kasama ang aking mag kaibigan, maraming naganap ng panahong iyon kami;y nagkwentuhan, takutan at iba pa. Dito ko naranasan ang maglinis ng  katawan na puro sulat ng pentelmen, mga sulat na kung anu-anu basta panay kasalawan, merong mga nakalagay na: i lobe you ganyan at i love you ganito. Nakakahiya sapagkat pinagmumuka kang aswang at ang mas malupet ginawa ka pang pader. Dito na natatapos ang aking istorya ng aking pagkabata
 sa ika-tatlong baitang.
Art Anthony Velasco
     Sa ika-apat na baitang ako na ang kusang nagparehistro ng aking pangalan sa aming paaralan upang makuha ang aking pangkat. Sa baitang na ito nahubog ang aking talento sa pagsayaw. Dito dumami ang aking kaibigan sapagkat kasabay ng aking pagtanda kasabay din nito ang paghubog ng aking personalidad. Sa panahong ito, dito ko nakilala at natagpuan ang una kong hinangaang lalaki na si Art Anthony Velasco. Isa syang matalino at kinahahangaang lalaki sa aming paaralan, at naging malapit kami sa isat-isa. Nang nakilala ko siya nagbago ang pananaw ko sa buhay, mas lalong ginalingan ko ang aking pag-aaral dahil naging inspirasyon ko din sya para magpursige sa pag-aaral. Naging matalik kaming magkaibigan hanggang ngayon at kasama ko siya sa aming parokya.

      Pagtung-tung ko sa ika-limang baitang hindi ko napansin ang mga pgbabagong nagaganap sa aking sarili, bigla nalang nag-iba ang aking ugali nagsimula akong umarte sa mga maliliit na bagay.  Siguro marahil sa naging kakumpetensya ang aking pinsan sa lahat ng bagay at nagkaruon kami ng bagong kamag-aaral na galing sa ibang eskwelahan. Si Carl Gonzales at Willyn Balitaan. Sa panahong ito naging matalik kong kaibigan si Willyn pero dumating ung oras na humanga siya sa humahanga din sa akin. nagkasakitan kami ng loob nuon ngunit hindi ko iyon pinabayaan upang maging lamat ng aming pagkakaibigan. Si Carl ang dahilan kung bakit nangyari ang sigalot naming iyon, gusto nya lagi akong kasama, kausap kasabay at katabi ngunit hindi ko pa nuon alam kung bakit  nagpapapansin siya sa akin lagi. Nung ako ay nas ika-anim na baitang na duon ko nalaman na humahanga pala siya sa akin, nung una hindi ako naniniwala sapagkat nasanay ako sa kanyang pagbibiro tungkol sa ganung mga bagay at nung araw na mag-pipilian na ng kapareha sa cariñosa ay hindi ko alam na pinili na nya pala ako agad ng hindi ko nalalaman. Nang mga panahong ito na dumating ung oras na nadisappoint ang guro kong si Mrs. Mitra na isa sa pinaka-kinatatakutan ng lahat ng estudyante, isa sya sa pinaka istriktong guro sa aming paaralan. Nakakahiya dahil hindi ko nasagot ang kanyang tanong na ibinigay sa akin sa asignaturang matimatika. Lumipas ang mga buwan at hindi ko namalayang magtatapos na ako ng elementarya.


         

             Pagtung-tung ko ng sekondarya ay maraming pagbabago ang naganap, mga pagbabago na lalong naghubog sa akin.May nga aral dn akong hindi ko malilimutan, mga aral na aking magiging gabay sa pagtahak ng tamang landasin. Ngayon ako ay nasa ika-apat nang taon sa sekundarya at nasa pangkat pito. Masaya ako sa kung anu ako ngayon, dahil kung anu ako ngayon ay produkto ng aking mga karanasan na aking napagdaanan.










Ang aking mga kaklase

   Maraming Salamat papabsa sanay nagustuhan mo.....

     Takecare and godbless



Ang Talambuhay ni Jocelyn Cabarubias,

 Lenoks, yan ang tawag ng marami sa akin pero bago nagsimula ang kwento ni Lenoks. Ipapakilala ko muna si Jocelyn Cabarubias ang kwento sa akin ng aking ina noon daw ipinagbubuntis niya ako ang tatay ko daw ay huminto maginom, well infareness iba rin naman ako. bye the way sabi ng mama ko noong nanganganak siya sa akin ang bilis ko daw lumabas para lang daw blate. ayon pinangalanan akong jocelyn hindi ko alam kung bakit pero hayaan na kesa walang name diba.
ako yung girl sa left side
Noong bata ako ang alam ay maglaro at tumakbo ng tumakbo, ang sarap sarap maglaro.Noon sa concepcion pa kame nakatira marami akong kaibigan. Lagi pa akong napapalokasi sobrang likot ko kulan nalang araw-araw akong may sgat takbo kai ng takbo. Minsan sa sobrang gala ko ay nakagat ng aso sa tuhod,hagalpak na ako ng iyak,yung peklat hanggang ngayon nandito pa rin. Lumipat na kami sa Sta. Isabel ganun talaga kailangan kasi. Ang hirap palalng maadjust dahil wala naman akong kaibigan dahil baguhan pa lang kami. Pero in a week naman may mga kalaro na rin ako dahil yung iba dito ay kaklase ko sa elementary, habang tumatagal ay lalong naging close ako sa kanila. Dati nga noong may libot may nakasabunutan akong bata kasi ayun ay inaway ko umiyak din naman ako. Pero sa kabila ng lahat masaya pa rin ako at gusto kong balikan ang buhay ko noong bata pa ako kasi ang gaan lang ng buhay ko yun bang tipong sitting pretty lang. Ayon nalimutan ko na ang ibamg pangyayari sa pagkabata ko pero ang alam ko lang ay makulay iyon at masaya.
picture ng 4f
                       Noong unang tuntong ko sa hayskul ay tense ako. Ganoon pala ang feeling kapag sa bayan ka na papasok para bang untang bumaba sa bundok. First time ko nakita ang Dizon High. Super na amaze ako kasi ang laki ng oval. Noon lang ako nakakita ng ganoon. Sa grandstand parang natatakot akong umakyat, at super nakakalito noon sa skul. ang adviser ko nonng first yaer ako ay si Sir Calabia. sobrang napakabait niya. at noong first year ako first time ko nagkaroon ng boyfriendhehe dalaga na ako, sa liceo siya napasok grabe may itsura din naman siya mga two months siguro kame pero mahal na mahal ko siya sobra. pero siyempre masyado pa akong bata para dibdibin ang nangyarimarami pa akong makikilala na mas higit pa sakanya at puppy love lang naman iyon at hindi dapat sineseryoso pero first love ko siya. para sa akin mahirap talaga ang first year. minsan kasi nakakatamad pumasok. kahit hayskul na ako hindi parin nawawala yung pagiging elementary ko. hindi naman kasi agad ako magiging dalaga diba pero darating din siguro na magdadalaga ako hindi palang siguro ako hand.
                       Naging parte rin ng aking buhay ang simbahan, minsan isinama ako ng aking mga kaibigan sa simbahantapos hindi ko alam naging parte na ako ng choir o an tawag sa amin ay Icp youth ministry. sa simbahan kasama ang mga kapwa ko kabataan isa iyon sa bumuo ng pagkatao ko. arar-araw ang dami mo aasahan na mangyayari. ang sarap pala sa pakiramdam ang maglingkod sa simbahan. pakiramdam na tila ba kahit ang dami mong problema ayos lang kasi alam mong kasama mo ang Panginoon. Dahil nga sa lumalaki na at nagdadalaga. nagkaroon narin ako ng mga hinaharap na problema tulad sa aking pamilya. minsan nagkaroon kami ng pagtatalo ng aking ama dahil may hinala ako na may iba siyang babae. at alam ko sa sarila ko na tama ang hinala ko dahil sa mga nababasa ko sa text noong babae sa aking ama. at hindi naman ako tanga para isiopin ko na magkaibigan lan sila tulad ng sabi ng aking ama. naginom ang tatay ko nabanga ang sasakyan namin sa poste buti nalang hindi siya nasaktan sinisi ko ang sarili ko sa mga nangyari hindi talaga kami nagiimikan ng tatay ko. kinusap ako ng pinuno ng aming samahan simbahan,  kausapin ko daw ang aking ama. noong kinagabihan nag-isip ako, nag-ipon ng laks ng loob  upang kauspin ang aking ama. at na makausap ko ang aking ama, humingi ako ng twad sa nangyari sa kanya at mla sa araw na iyon nagkaayos kami. naikwento rin ng aking ina na noong akoy umalis umiyak daw ang aking ama at sa tingingin ko ay alam ko na ang ibig sabihin ng mga luha niya. isa lang yan sa mga hinarap ko na probllema sa bwat pagsubok kasama ko ang ang panginoon. hindi lamang iyan, marami pa akong naging kaibigan sa sinbaham. bawat isang tao kanya kanyang personalidad pero wala sa kanila ang estado ngbuhay ang mahalaga masaya kami sa simbahan at samasamang naglilinkod sa Panginoon. pero ngayon bigla nalang nalimutan ko ang bumalik sa simbahan hindi na ako nakakapaglingkod pero pinapangako ko na babalik ako sa pangalawang tahanan ko
                             Sa ikaapat na baitang marami akong nadagdag na kaibigan. sa mga unang araw ng fourth year medyo nahihirapan parin ako mara nkasi ang nadagdag sa sectionF, pero alam ko naman ko naman na magiging kaibiogan ko rrin ang mga bago sa section namin. mahirap din maging fourth year siyempre kailangan ko rih mag-aral ng mabuti para makagraduate ako. ang damin naming activity,. Field demo hayan nanaman pero no choice ganun talaga isipin nalang na para sa amin rin iyon. pero ang pinaka exciting ang mini olympics. Ang saya-saya naman sa kaunaunahang pagkakataon naglaro ako ng soccer sa oval, ganoon pala ang pakiramdam pero napakasaya naman lalo na at nanalo pa kami. sa taong 2010 nakilala ko si Ren Russel Cadelino siya yung boy frind ko ngayon pero dahil sakanya nagkaroon ako ng maraming kaibigan sina mariel,marvin,mark o si unta,si algie si bestfriend guinto,si honnie ko,si bombita at si kuya norman. marami rin akong naging kaibigan  sa section ng 3-d at 3-f, lalo na ang pinakaespesyal si shame at si jedie napalapit ako sa kanila. sa mababarkadang iyan nagsimula ang tawag sa akin na lenoks at siyempre hidi mawawala ang bestfriend ko na si kyle lanip mahal na mahal ko yan si bestfriend.
Ako ulet kasama pa rin ang aking mga kaibigan
                             Sobrang saya ng naging karanasan ko at ngayon ipinapanalangin ko na makagradute ako at sana walang miwan sa 4-f at maging sa ibang section at msasabi ko na naging masaya ang buhay kahit may mga problema may mga tao naman na nagmamahal sa akinat minamahal ko sapat na para maging matatag na tao, at kung ano naman ako ngayon ay dahil sa mga taong naging inspirasyon ko sa buhay. nagpapasamat ako sa panginoon hindi man ako nabigyan ng magndang buhay nadiyan naman ang aking pamilya at mga kaibigan na nagsisilbi kong kayamanan.



Salamat sa pagbabasa!.

Sabado, Pebrero 19, 2011

Ang Talambuhay ni Jarine Rosales

Ako nang ako'y limang taong gulamg
Sa bawat problema may kaakibat na solusyon.Magsikap at magtiyaga para makamtan ang ninanais na tagumpay at magandang kinabukasan. Huwag  magsayang ng oras at pera upang may marating sa buhay. Yan ay ilan lamang sa mga mabubuting turo sa akin ng aking mga magulang na sya ko namang ginagawang panuntunan sa buhay. Mga aral na hindi ko kailanman iiwan sa pakikibaka sa buhay, mga aral na bumubuo sa aking pagkatao.



Ako nang aking binyag kasama ang  aking tiyo
  Ako si Jarine Asia Rosales, anak nina G. Ricky A. Rosales kasalukuyang isa ngayong panadero at tricycle driver at Gng. Consolita A.Rosales manininda ng pagkain sa palengke. Ako ay pangalawa sa aming tatlong magkakapatid at panganay sa lalaki. Ito marahil ang dahilan kung kaya't maaga akong namulat sa realidad ng buhay. Isinilang ako noong ika-08 ng Hulyo taong 1994 sa Brgy. San Roque Bagong Pag-asa sa lungsod ng Quezon. Ayon sa aking mga magulang nakatira lamang kami nuon sa isang paupahang kwarto. Ang aking ama nuon ay isa empleyado sa isang hotel at ang aking ina naman nuon ay isang manikyurista. Sabi nang aking mga magulang  dito naganap ang ipapahamak ng aking buhay. Nuong isang taon at kalahati pa lang daw ako isang hindi inaasahang pangyayari sa aking buhay. Nalaglag ako sa sampong baitang na hagdanan at sumulbot sa palanggana na may lamang tubig. May nakakita raw naman sa akin isang matandang babae na nauna pa sa akin binawian ng malay tao. Dahil sa pangyayaring yun naubos ang mga ipinundar ng aking mga magulang sa probinsya maging ang dala namin sa maynilang mga alahas. Di naglaon nakahanap ng mas magandang trabaho ang aking ama, Pagiging caretaker sa isang orchidfarm sa Dasmariñas Cavite. Tumira kami roon ng humugit kumulang ng dalawa't kalahating taon, sa aming pamamalagi duon ay napakarami ko nang mga naranasang bagay na lalong naghubog sa aking pagkatao.Duon ako unang nag-aral bilang saling pusa sa isang nursery school. Kasabay ng aking pag-aaral umusbong ang mga nakatagong katangian sa aking pagkatao, natatandaan ko pahong lagi akong nakagagalitan ng aking mga magulang dahil sa aking kakulitan at kadaldalan  nung aking kamusmusan, nariyan yung mga oras na tumatakas pa ako sa aking lola kapag pinatutulog kami sa tanghaling tapat upang lumaki daw kami. Ngunit hindi ako naniniwala dun sa sinasabi ng aking lola. Ayon pa sa aking mga magulang bata pa lamang  ako ay matanda na akong mag-isip,di na din ako nagtataka sapagkat tanda ko pa nung ako ay anim na taong gulang ang mga kabarkada at kausap ko ay matatanda, sabi pa ng mama ko kinagigiliwan daw ako ng mga matatanda dahil hindia ko mahiyain g kumanta,sumayaw at tumula sa harapan nila. May mga pagkakataong dumadating ang amo ng aking mga magulang at maging sya ay nagigiliwan sya sa akin. 
Ako nang ako ay nasa Kinder Garten


   makalipas ng pamamalagi namen ng dalawang taon sa Cavite napagpasyahan ng aking mga magulang na umuwi sa probinsya namin sa Quezon upang ipasok kami sa kilalang pribadong paaralan duon. Duon ako nagpatuloy ng pag-aaral, naging magsasaka at minsan ay sumasama sa pangingisda ang aking ama, samantalang samantalang balik manikyurista ang aking ina. Taong
Ako nang ako ay nasa nursery pa lamang
dalawang libo dumating ang anghel sa aming pamilya ang aking bunsong kapatid, pagkatapos ko ng kinder hindi muna ako pumasok dahil ay pa nang aking magulang at isa pa hindi pa ako handa para tumuntong sa unung baitang sa halip inilaan ko ito sa pag-aalaga sa aking bunso. pagkalipas ng isang taong pag-aalaga at pagliliwaliw pumasok na din ako dahil ayaw kong mahuling masyado sa aking dating mga kasabayan. Hindi lumilipas ang aking pag-aaral duon na wala kaming karangalan ng aking nakatatandang kapatid. Sa probinsya ako unang nkahanap ng mga tunay na kaibigan mga kaibigang kahit musmus pa lang ang isipan ay nariyan upang samahan ka sa mga problema kahit maliit man yan. Tanda ko pa nung bata pa ako twing sabado at linggo nasa bukid kami ng aking ate upang magbakasyon kahit dalawang araw lang sa bahay namin sa bukid. Hindi naglaon lumuwas ang aking ama dito sa San pablo upang maghanapbuhay dahil batid nyang malaking salapi ang kakailanganin namin sa pag-aaral, Pinalad na nakapasok ang aking ama sa isang bakery na pinagtatrabahuhan ng aking tiyo, ngunit hindi bilang panadero kundi bilang tiga-gawa ng siopao dahil may pwesto ng siopaowan sa palengke           ang isa sa may ari ng panaderya.

graduation pic.
nang lumaban kami sa journal
             Ngunit totoo nga ang kasabihang lahat ng bagay ay may hangganan, dahil dumating yung panahong kailangan naming umalis muli sa probinsya sapagkat nastroke ang aking lola kaya mahirap man mag-adjust kailangan ng aming dalhin ang lola sa San Pablo kung  saan mas magaling ang amga manggagamot. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa dapdapan Elem. School, na nangangalhati na ang taon nang ako ay nakapag enroll, hirapan ako nung mag adjust sa mga bagay-bagay gaya ng sa mga lesson huling-huli na ako, sa pagsasalita ko dahil kung minsan inaasar nila akong bisaya dahil daw sa tono at lalim ng aking mga salita. Nung ako ay nasa ika-tatlong baitang na katulong na ako ng aking ina sa pgtitinda ng aming mga produkto sa palengke, dito ko natutunan kung paano kitain ang pera at pahalagahan ito. Simula nang ako ay naparito sa San Pablo hindi ako naging pala galang bata, hindi ako naging mahilig magliwaliw sapagkat bata palang ako ay hinahanda na ako sa pagsubok sa buhay, Masasabi kong iba ako sa pangkaraniwang bata nung panahong yaon , dahil pinuno ako ng aking mga magulang ng ibat ibang obligasyon at responsibilidad. Ngunit hindi ko inisip na ito ay utos o obligasyo, tinatanggap ko ito bilang pagsasanay sa mga susunod na araw para sa akin. Nung ako ai nasa ikatlong baitang di ko inaasahang ako ay magkumbulsyon sa paaralan, dinala ako sa hospital na hindi alam ng aking magulang ang nangyari. Isang buwan din akong namalagi sa hospital, finals namin un sa lahat ng subject, kaya ang kinalabasan mababa ang 4th quarter . Natapo ako ng elementeryang walang karangalan ngunit puno naman ng dimalalamutang karanasan  at kaalaman. 

      Taong 2007 tumuntong ako ng sekondarya, una akong pumasok sa San Jose National high School kasam a ang aking isa sa mga matalik na kaibigan. Duon ako nagtapos ng dalawang taon sa sekundarya, dahil matapos ng ikalawang taon ay napalipat kami ng tinitirhan sapagkat nagtayo kami ng amaliit na panaderya na pinagkukunan namin ngaun ng gaastusin sa pang araw-araw. ako ngaun ay nasa ika apat na taon na ng sekundarya at nasa pangkat pito, masasabi kung masaya ang aking buhay kahit simple lang.. 

Ako noong J.S namin ngayong 4th year
               salamat sa pagbabasa