![]() |
Nuong ako'y isang taong gulang |
Ngunit noong ako'y mag-iisang taon hindi pa daw ako makalakad pare magaling na akong bumigkas ng mga salita. Ayon sa aking mga magulang nuong aking kaarawan napakaraming handa at naruon ang aking mga pinsan, kamag-anak at iba pa. Ayon pa sa kanila pinag-aagawan at pinag-hahagkan pagdating na sa aking mga tiyahin, ang asim ko raw, amoy pawis at kasama na ang amoy at laway ng amga kamag-anak ko.
Makalipas ang apat na taon, unag klase ng paaralan ay limang taon ako nuon, saling pusa kung tawagi ako sa bagong Lipunan Elementary School, pero nakita na ng aking guro na may kaalaman na ako sa pagbabasa, pagsususlat, kaya't nuon maagap akong nakatung-tung sa unang baitang dahil sa pagpasa sa akin ng aking guro sa Kinder garten. Sa loob ng aming silid-aralan isa ako sa ma-iingay na mag-aaral. Nakilala ko ang mga kaibigan na sina:Abygail, Angeline at Arlene at ang pagkakakilala ng aking guro na si Mrs. Satuna na kakambal ko si Aby.pagtung-tung ko sa ikalawang baitang, nananabik ako dahil sabi ko sa aking mama na ako'y magtatapos na ng pag-aaral pero sa katotohanan ay hindi pa pala. Sa unang klase ng umaga ay lagi akong kumpleto sa uniporme at pagdating ng hapon nais ko laging nakasuot ng sando kahit ayaw ng aking mama ay wala siyang nagagawa dahil hindi ako pumapasok kapag hindi naka-sando. Sa kadahilanang ako ay laging naka-uniporme nuong nagrecognition day ay natamo ko ang karangalang "Best In Complete Uniform".
![]() | |
kaarawan ko nung ako'y walong taong gulang |
Nang pagtung-tung ko sa ika-tatlong baitang, kaarawan ko nuon kaya nagpasya ang aking ama na idaos ang aking kaarawan sa isang resort sa San Ignacio. Nakakalungkot dahil unang klase ay lumiban kaagad ako pero nandun din ang kasiyahan sa aking kalooban. Nagsimula na raw akong ipamalas ang aking kakayahan sa loob ng klase ngunit nkaakibat nito ay lagi rin na pinapatawag ang aking mga magulang at ng aking kamag-aral dahil lagi kaming nag-aaway sa loob ng silid ng aking kamag-aral na lalaki na si: Earl van Exconde. Ayon sa aking guro hindi kami magkasundo dahil parehas kaming sensitibo sa mga bagay-bagay gaya ng sa upuan. Nang ito ay naganap ika huling linggo ng buwan ng marso, Nung kinalunisan ako ay inatasan na magbigkas ng isang panata sa aming flag ceremony. Hiyang-hiya ako nuon dahil una beses kong gagawin iyon. Nung panahong iyon ipinamalita ng mga guro na may camping na magaganap ang aming paaralan at ako ay makakasali sapagkat nuong araw na iyon nagpadala ang aking ama ng pambayad galing sa Maynila. Araw ng camping nuon nagluto kami ng itlog na nilaga at inadobong talong, ang saya-saya ko nun sapagkat duon kami natulog kasama ang aking mag kaibigan, maraming naganap ng panahong iyon kami;y nagkwentuhan, takutan at iba pa. Dito ko naranasan ang maglinis ng katawan na puro sulat ng pentelmen, mga sulat na kung anu-anu basta panay kasalawan, merong mga nakalagay na: i lobe you ganyan at i love you ganito. Nakakahiya sapagkat pinagmumuka kang aswang at ang mas malupet ginawa ka pang pader. Dito na natatapos ang aking istorya ng aking pagkabata
sa ika-tatlong baitang.
![]() |
Art Anthony Velasco |
Pagtung-tung ko sa ika-limang baitang hindi ko napansin ang mga pgbabagong nagaganap sa aking sarili, bigla nalang nag-iba ang aking ugali nagsimula akong umarte sa mga maliliit na bagay. Siguro marahil sa naging kakumpetensya ang aking pinsan sa lahat ng bagay at nagkaruon kami ng bagong kamag-aaral na galing sa ibang eskwelahan. Si Carl Gonzales at Willyn Balitaan. Sa panahong ito naging matalik kong kaibigan si Willyn pero dumating ung oras na humanga siya sa humahanga din sa akin. nagkasakitan kami ng loob nuon ngunit hindi ko iyon pinabayaan upang maging lamat ng aming pagkakaibigan. Si Carl ang dahilan kung bakit nangyari ang sigalot naming iyon, gusto nya lagi akong kasama, kausap kasabay at katabi ngunit hindi ko pa nuon alam kung bakit nagpapapansin siya sa akin lagi. Nung ako ay nas ika-anim na baitang na duon ko nalaman na humahanga pala siya sa akin, nung una hindi ako naniniwala sapagkat nasanay ako sa kanyang pagbibiro tungkol sa ganung mga bagay at nung araw na mag-pipilian na ng kapareha sa cariñosa ay hindi ko alam na pinili na nya pala ako agad ng hindi ko nalalaman. Nang mga panahong ito na dumating ung oras na nadisappoint ang guro kong si Mrs. Mitra na isa sa pinaka-kinatatakutan ng lahat ng estudyante, isa sya sa pinaka istriktong guro sa aming paaralan. Nakakahiya dahil hindi ko nasagot ang kanyang tanong na ibinigay sa akin sa asignaturang matimatika. Lumipas ang mga buwan at hindi ko namalayang magtatapos na ako ng elementarya.

Pagtung-tung ko ng sekondarya ay maraming pagbabago ang naganap, mga pagbabago na lalong naghubog sa akin.May nga aral dn akong hindi ko malilimutan, mga aral na aking magiging gabay sa pagtahak ng tamang landasin. Ngayon ako ay nasa ika-apat nang taon sa sekundarya at nasa pangkat pito. Masaya ako sa kung anu ako ngayon, dahil kung anu ako ngayon ay produkto ng aking mga karanasan na aking napagdaanan.
![]() |
Ang aking mga kaklase |
Maraming Salamat papabsa sanay nagustuhan mo.....
Takecare and godbless
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento