![]() |
Ako at ang aking pinsan na si ate Janice |
Ito ang isa sa mga litrato na kuha noong ako ay hindi pa napasok sa Paaralan. Ako ay nasa tatlong taong gulang palamang noon at narito naman sa aking tabi ang aking pinsan na si ate Janice Padura na kung saan ay siya ang nag-aalaga sa akin kapag wala ang aking mga magulang.
Ako ay nagsimulang mag-aral sa edad na limang taong gulang at ako ay pumasok ng nursery at kinder sa paaralan ng Maranatha Christian School. sa aking pagiging Kinder ay dun ko unang naranasan kung paano ang makipag-kaibigan at makihalubilo sa aking mga kaklase. Dun ko rin unang naranasan ang aking fieldtrip na isa sa mga bagay na hindi ko malilimutan. Isa sa mga pinuntahan namen na lugar ay ang Enchanted Kingdom na kung saan ay dun ko naranasan na sumakay sa iba't ibang uri ng rides.Pagkatapos naman namen sa lugar na iyon ay dumeretso naman kame sa Manila Zoo na kung saan ay doon ako unang nakakita ng iba't ibang uri ng hayop tulad ng Unggoy,Elepante,Tigre, Lion at iba pa. Isa din sa mga bagay na hindi ko malilimutan sa lugar na iyon ay nung ako ay mapahiwalay sa aking Nanay at ako ay maligaw, at sa aking paglalakad-lakad ay halos malibot ko na ang buong zoo hanggang sa ako ay makalabas sa main gate ng Zoo at sa labas non ay dun ko nakita ang aming sinasakyang Bus at dali-dali akong sumakay at dun na ako nag-iiyak. Sa pangyayaring iyon ay mayroon akong isang bagay na natutunan yun ay ang huwag maging malikot at maging pasaway sa iyong magulang kapag nasa mga ganung lugar lalo na kung ikaw ay bata pa at wala pang masyadong alam sa mga bagay-bagay. ito ang isa sa aking litrato ng fieldtrip namen habang ako ay nasa bus.
![]() |
Fieldtrip namin noong ako ay nasa Kinder Garten pa lamang |
![]() |
Noong ako ay nasa kinder garten pa |
Bago pa ang pagsapit ng aking Graduation sa aking pagiging Kinder ay narito pa ang isang larawan na kuha bago ako Gumraduate.
Sa pagtung-tong ko sa edad na pitong taong gulang ay dun na ako nagsimulang mag-aral ng unang baitang sa Paaralan ng Guadalupe 2 Elementary School San Pablo City. Ngunit ng matapos ko ang isang taon na pag-pasok ko sa unang baitang sa Paralang iyon ay lumipat ako sa Paaralan ng Ambray Elementary School at dun ako nag-aral ng grade 2. Ngunit pagkatapos ko sa taon na iyon ay muli akong bumalik sa una kong pinasukang Paaralan at dun na ako naapatuloy ng aking pag-aaral. Noong ako ay makatung-tong sa ikatlong baitang ng elementarya ay dun ko unang naranasan na lumaban sa mga Distrito at ang aking larong nilabanan ay Chess. ngunit sa kasawiang palad ay di ako nag-wagi. Noong ako naman ay nasa ikaapat na baitang na ng elementarya ay dun ko naman naranasan na lumaban ng Talumpati sa harap ng marameng tao kasama ang aking mga kaklase. I to ay ginanap sa Paaralan ng Pag-ibig at Pag-asa ngunit hindi rin kame pinalad na manalo. Noong ako naman ay maka-akyat na sa ikalimang baitang ng elementarya ay naging varsity naman ako ng volleyball na isa pa sa mga palaro na aking nilahukan at sa dalawang laban namen na iyon ay hindi rin kame nanalo. Sa akin namang pinakahuling baitang sa elementarya ng Guadalupe 2 Elementary School San Pablo City, ay mayroon akong isang bagay na hindi ko malilimutan yun ay nung unang pagsali ko sa Camping na ginanap sa lugar ng Brgy. San Jose, San Pablo City. Marameng pangyayari ang naganap doon, naranasan ko doon ang maghi-king na kung saan ay umakyat kame sa bundok na sobrang putik dahil kauulan lang non, naranasan ko din doon ang mag Bonfire at kung paano ang gumawa ng apoy gamit lamang ang ilang kapirasong kawayan. Kame ay nagtagal doon ng tatlong araw. Marame rin ako dung naging kaibigan at nakasalamuha galing sa iba't ibang paaralan. Dun din ako nakaranas na kung saan ay huling araw na ng camping namen ay bigla naman kameng binagyo, halos lahat ng kasama sa camping na iyon ay hindi magkaige dahil sa mga tent nila na pinapasukan na ng mga tubig at ganun din kame, naghintay lang kame na sumapit ang liwanag at naghakot na kame ng aming mga gamit ngunit hindi pa rin tumitigil ang bagyo. Halos manigas na kame ng aming mga kaklase sa paghahakot ng gamit dahil sa sobrang lamig dala ng malakas na bagyo. Nang matapos na kame sa paghahakot ay umalis na agad kame gamit ang patrol na sasakyan ng aming baranggay at ng pagdating ko sa aming bahay ay natulog ako at nagpahinga dahil sa sobrang pagod ko sa mga pangyayaring iyon. Isa iyon sa mga bagay na hindi ko malilimutan na nangyare sa aking buhay pagiging elementarya.
Isa pa sa masayang pangyayare na naganap sa aking pagiging buhay elementarya ay noong ako ay ga-graduate na at umakyat na ng entablado upang kuhanin ang aking diploma na nagpapatunay na ako ay nakatapos na ng elementarya at ito ang isang larawan na kuha habang ako ay tatanggap ng aking diploma
![]() |
Graduation ko noong ako ay Elementary |
Isa pa sa masaya kung naranasan sa pagiging high school ay nung ako ay mag 3rd, year na dahil doon ko naranasan kung gaano pala talaga kasaya ang mag JS, At nung ako ay mag 4th,year na man ay dun na mas lalong sumaya ang aking high school life dahil dun ako nagkaroon ng unang babae na aking minahal at ito ang isa sa kanyang mga larawan.
![]() |
Girlfriend ko na si Rose Ann Cortez |